A recent conversation caught me breathless and deeply burdened for my neighbors.
A street vendor I regularly buy vegetables from surveyed all of the uncertainties of the sickness, quarantine, and of course, the nearly total lack of fruit buyers—her only source of income. Her summary was that “God is mad at us right now.”
This was only one out of a number of strikingly open opportunities I have had for the gospel in recent days. People are scared. The virus and the quarantines have stripped away their comfortable apathy and they are looking for answers.
In order to build on these opportunities and specifically for this lady, I wrote a tract that explains the gospel in connection with these current events. I plan to share it with the people of my street and neighborhood, but I thought it might be useful to others as well. I am making it available for you in both English and Tagalog to print and use as you see fit. You can read the full text of the tract in both languages just below the download links.*
Don’t waste the open doors that God has given you to share the gospel with confused and struggling people all around you.
Helplessness? Panic?
Or an Unshakeable Foundation?
In only a few short weeks, our lives have been transformed by a virus we’ve never seen. People’s responses range between helpless despair and total panic. Both make sense in their own way. We legitimately feel helpless, there is in fact nothing we can do to make all of this go away. We hope to slow the spread; we can look out for others; try to keep it from destroying our way of life. But if the virus has taught us anything it is that we are not as secure as we thought we were. No one has easy answers right now.
That also explains why many people panic. If you have built your life on a foundation no deeper than feeling happy, being secure, and providing a “better” life for your children, it’s all gone now. Jesus spoke of a foolish man who built his life on the sand; when the storms came everything was washed away. It might indeed feel like the only thing left to do is panic.
God is Our Rock
But there is something more real than the virus and it puts aside both helpless despair and ravaging fear. Everything seems to have changed overnight, but there is a Person who has not changed. Scripture describes Him as a bedrock that cannot be moved—“He alone is my rock and my salvation, my fortress; I shall not be greatly shaken” (Psalm 62:2). When everything else in life lies shattered, God remains the same.
Why did God Allow the Virus?
So did He create this virus? Does He not care about our suffering? Is He still there? The astonishing answer is that He already proved how much He cares. He did not remain at a safe distance from our sorrow—He entered humanity in the person of Jesus Christ. He could have left us alone, but He chose to “bear our griefs and carry our sorrows” (Isa. 53:4). He understands our turmoil and pain. He knows what it’s like to be human and weak—even to die. And he went beyond—He willingly accepted the guilt of our sin and suffered the punishment we deserved. “The Lord has laid on him the iniquity of us all” (Isa. 53:6).
Can Everyone Claim this Comfort?
That’s a comfort, but can we all claim it? Is God a rock for everyone? Scripture’s answer is that there are two kinds of people—wise people who build their lives on the rock and those who do not and are destroyed. In other words, it’s not enough to merely be human and alive—or even to be a religious and kind person. God gives a specific requirement—from Jesus’ own words, a person can be secure only if he “hears these words of mine and does them” (Matt. 7:24).
And if we hear these words it’s quite clear what He tells us to do. God offers life to those who turn to Him alone and ask for it. That means admitting that you don’t deserve His mercy—you haven’t been good enough. And then He tells us to turn to Him alone. “Everyone who calls on the name of the Lord will be saved” (Rom. 10:13). We can claim no righteousness of our own but simply cry out, “God be merciful to me, a sinner” (Luke 18:13). Jesus is our rock and “whoever believes in Him will not be disappointed” (Rom. 9:33).
Like all of us, I’ve read the horrifying stories over the past few weeks of healthy people my age whose lives were cut short by the virus. I’ve found myself imagining our options if my family caught the virus, if hospitals were closed, or if I died. It’s scary stuff. But I can honestly say that I am at peace. In place of helplessness or panic I have a calm confidence. God is my God; I know Him; I have been forgiven of my sins through Jesus alone. I am a child of God. And I’m not just hoping. I’m sure.
Do you know that? Can you turn from helplessness and panic to an unshakeable foundation? God offers that to you today.
Ikaw ba ay natatakot dahil sa virus?
Baka ito ang kailangan mo! Isang matatag na saligan o pundasyon!
Sa ilang linggo pa lang, ang buhay natin ay nagbago na dahil sa isang virus na hindi natin nakikita. Ang tugon ng mga tao ay kawalang pag-asa at lubos na pagkatakot. Nararamdaman natin na tayo’y walang magawa, ngunit sa katotohanan, wala talaga tayong magawa para mawala ang lahat ng ito. Umaasa tayo na mapapabagal natin ang pagkalat nito at naghahanap tayo ng iba’t ibang paraan. Subalit sinusubukan ng virus na ito na sirain ang paraan ng pamumuhay natin. At kung may itinuturo man sa atin ang virus na ito, ito’y ang katotohanan na wala tayong siguridad gaya ng inaakala natin dahil sa ngayon walang madaling kasagutan sa ating kalagayan.
Ito ang nagpapakita ng dahilan kung bakit maraming tao ang natatakot. At kung ang iyong buhay ay itinatag mo sa isang pundasyon na walang tibay gaya ng pakiramdam ng pagiging masaya lamang, pagiging ligtas dito lang sa mundo, at pagbibigay ng “Mas mahusay” na buhay para sa iyong mga anak, ito’y wala na ngayon. Nagsalita si Jesus tungkol sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang buhay sa buhanginan; nang dumating ang bagyo lahat ay naglaho. Marahil, ang tanging magagawa na lamang ay ang mag-aalala o matakot.
Ang Diyos ay ating Bato
Ngunit mayroong isang bagay na mas totoo kaysa sa virus at isinasantabi nito ang kawalang pag-asa at nakapipinsalang takot. Marahil ang lahat ay mukhang nagbago sa buong magdamag, ngunit may isang Persona na hindi nagbabago. Ang Biblia ay isinalarawan Siya bilang matatag na bato na hindi matitinag—“Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan, ang aking muog; hindi ako lubhang matitinag” (AWIT 62:2). Kapag ang lahat sa buhay natin ay nawala na, ang Diyos ay nananatiling matatag.
Bakit pinahintulutan ng Diyos ang virus na ito?
Siya ba ang gumawa ng virus na ito? Hindi ba Siya nagmamalasakit sa ating kahirapan? Nandiyan pa ba Siya para sa atin? Ang kamangha-manghang sagot ay napatunayan na ng Diyos kung gaano Siya nagmamalasakit. Hindi Siya nanatiling malayo sa ating mga kalungkutan. Siya ay pumasok sa pagkakatawang tao at ito ay si Jesu-Cristo. Maaari Niya tayong pabayaan, ngunit pinili Niya na “pasanin ang ating mga karamdaman at dalhin ang ating mga kalungkutan” (Isa. 53:4). Nauunawaan Niya ang ating kahirapan at sakit. Nalalaman Niya kung paano maging isang tao at maging mahina—kahit ang mamatay. At higit pa ang ginawa Niya—kusa Niyang tinanggap ang ating mga kasalanan at naghirap sa parusa na tayo dapat ang managot. “At ipinasan sa Kanya ng Panginoon ang lahat nating kasamaan” (Isa. 53:6).
Maaari bang maangkin ng sinoman ang kaaliwang ito?
Ito ay isang kaaliwan, ngunit lahat ba tayo ay maaaring panghawakan ito? Ang Diyos ba ay Bato para sa lahat? Sinabi ng Biblia na mayroong dalawang uri ng tao—ang matalinong tao na itinayo ang kanilang buhay sa batuhan at ang mga hangal na nauwi sa pagkawasak. Sa madaling salita, hindi sapat na maging tao lang at mabuhay—o kahit maging relihiyoso at maging mabuting tao. Ang Diyos ay nagbigay ng tiyak na kailangan natin mula sa salita mismo ni Jesus: ang isang tao ay magiging ligtas lamang kung siya’y “nakikinig sa Kanyang mga salita at tinutupad ang mga ito” (Matt. 7:24).
Kung narinig natin ang mga salitang ito, malinaw ang sinabi Niya sa atin na dapat nating gawin. Ang Diyos ay nag-aalok ng buhay sa mga lumalapit sa Kanya lamang at humihingi nito. Ibig sabihin, aminin mo na hindi ka karapatdapat sa Kanyang awa—hindi sapat ang kabutihan mo. Pagkatapos, sinabi Niya na tayo’y lumapit sa Kanya lamang. “Ang sinomang tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas” (Rom. 10:13). Wala tayong sariling katuwiran, ngunit maaari tayong tumawag sa Kanya at sabihin na, “O Diyos, maawa ka sa akin na isang makasalanan” (Luke 18:13). Si Jesus ang ating bato, at “ang sinomang nananampalataya sa Kanya ay hindi mapapahiya” (Rom. 9:33).
Gaya nating lahat, nabasa ko din ang mga nakakatakot na mga kwento nitong nakalipas na mga linggo tungkol sa mga taong malulusog, na ang buhay ay nawala dahil sa virus na ito. Iniisip ko sa sarili ko na kung ang pamilya ko ay nahawa ng virus, kung ang mga ospital ay sarado o kung ako’y mamatay. Nakakatakot ito. Pero, matapat kong masasabi na ako ay payapa. Sa panahon ng kawalang tulong at pag-aalala, ako’y may lubos na kompiyansa. Ang Diyos ay aking Diyos. Ako’y may relasyon sa Kanya. Ako’y pinatawad sa aking mga kasalanan sa pamamagitan lamang ni Jesus. Ako’y isang anak ng Diyos. At ako’y hindi basta umaasa lang. Ako’y sigurado.
Maaari mong talikuran ang iyong takot at kawalang pag-asa at magkaroon ng matatag na saligan o pundasyon. Ito ay inaalok sa iyo ng Diyos ngayon.
- Maraming salamat kina Lance Reyes and Dennis Demata para sa kanilang tulong sa pagtranslate nito. Kung maayos ang resulta, dahil sa kanila iyon. Kung may pagkakamali, dahil sa akin iyan.